^

Bansa

Oil exploration sa West Philippine Sea, ilalaban ng Pinas – Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Oil exploration sa West Philippine Sea, ilalaban ng Pinas â Marcos
Ayon sa Pangulo, malaking bagay sa Pilipinas ang proyekto dahil kailangan na ng supply ng langis ng bansa kaya nais niyang matuloy ang joint exploration.
AFP / File

MANILA, Philippines — Nanindigan si Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat ipaglaban ang oil exploration sa West Philippine Sea na natigil dahil sa pag-angkin ng China sa teritoryo.

Ayon sa Pangulo, malaking bagay sa Pilipinas ang proyekto dahil kailangan na ng supply ng langis ng bansa kaya nais niyang matuloy ang joint exploration.

Iginigiit umano noon ng gobyerno ng Pilipinas na dapat ang sarili na­ting batas ang sundin sa gagawing proyekto dahil pag-aari natin ang WPS.

“Ang talagang nangyari dyan is kine-claim ng China kanila ‘yun, eh atin naman talaga ‘yan. So sinasabi namin, sinasabi ng Pilipinas, basta ‘yung batas kailangan masundan ‘yung sa Pilipinas. Ang sinasabi naman ng Chinese, hindi, amin ‘yan e kaya ang sundan is Chinese,” sabi ni Marcos.

“Kaya ‘yun talaga ang roadblock doon. Mahirap makita kung paano natin aayusin ‘yun,” dagdag niya.

Marami na aniya ang interesadong ma­ging partner ng Pilipinas para sa joint exploration pero natigil ang mga negosasyon dahil sa isyung may kinalaman sa Konstitusyon.

“‘Yung China, hindi ba, maliit na bagay sa kanila ‘yun. Sa atin, ma­laking bagay ‘yan. So kailangan talaga natin ipaglaban at mapakinabangan kung mayroon mang oil talaga,” anang Pangulo.

Naghahanap na rin anya ng mga paraan ang gobyerno natin para maa­yos ang problema sa China ng naaayon sa batas.

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with