^

Bansa

Suplay ng karneng baboy sapat ngayong holiday season

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Suplay ng karneng baboy sapat ngayong holiday season
Vendors prepare assorted vegetables and meat products at the Paco Public Market and Arranque Market in Manila on November 8, 2022.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sapat ang suplay ng karne ng baboy sa panahon ng kapaskuhan at bagong taon kahit na mataas ang demand nito ngayong holiday season.

Ayon kay Rolando Tambago, pangulo ng Pork Producer Federation of the Philippines Inc., hindi kukulangin ang suplay ng karneng baboy dahil malaki ang imbentaryo nito na sobra pa hanggang sa unang tatlong buwan ng 2023.

Pumapalo ang farmgate price ng live hogs sa P155 hanggang P175 kada kilo. Umaabot naman sa P300 kada kilo ang presyo sa mga palengke ng pork kasim at P360 kada kilo ang pork liempo.

Kaugnay nito, hinikayat ng naturang grupo ang pamahalaan na huwag nang-iextend ang implementasyon ng EO 171 na nagpapababa ng taripa sa mga imported na karne.

Ayon sa grupo, ang naturang kautusan ay hindi nakakatulong sa mga hog raisers at magsasaka.

Dulot umano ng EO 171 ay nawalan ang gobyerno ng P12 bilyon koleksyon sa taripa sa imported products na dapat sana ang naturang pondo ay ginamit sa pagpapahusay sa mga programa ng pamahalaan sa agrikultura.

Sinasabing matatapos na ang effectivity ng E0 171 na ipinalabas noon ng Administrasyong Duterte.

PORK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with