^

Bansa

SSS, GSIS inanunsiyo pagpapalabas ng 13th month, holiday pensions

Angie dela Cruz, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
SSS, GSIS inanunsiyo pagpapalabas ng 13th month, holiday pensions
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Michael G. Regino ang pension fund na ipalalabas ay may halagang P29.74 billion para sa 3.36 million pensioners ng SSS.
Businessworld / File

MANILA, Philippines — Tatanggap na ng kanilang 13th month at December pension ang lahat ng pensioners ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) sa unang linggo ng December 2022.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Michael G. Regino ang pension fund na ipalalabas ay may halagang P29.74 billion para sa 3.36 million pensioners ng SSS.

Ang mga pensioners na qualified na tumanggap ng 13th month pension ay SSS retirement pensioners, SSS  Employees’ Compensation (EC) survivor, at total disability pensioners kasama na ang partial disability pensioners na ang pension duration ay hindi lalampas ng 12 buwan.

Samantala, sinabi ni GSIS President and General Manager Wick Veloso ang matatanggap ng kanilang pensioners ay katumbas ng kanilang buwanang pensyon na hindi bababa sa P10,000.

Nasa kabuuang P3.35 bilyon Christmas cash gift ang ilalabas ng GSIS para sa higit 328,000 old-age at disability pensioners na ipamimigay simula sa Disyembre 6.

Ang mga pensiyonado na may edad na at may kapansanan na nasa suspendido na katayuan noong Disyembre 31, 2022 dahil sa hindi pagsunod sa Annual Pensioners Information Revalidation (APIR) ay makakatanggap din ng kanilang cash gift pagkatapos nilang muling i-activate ang kanilang status.

Ang mga nagretiro noong 2018 hanggang ngayon taon na kinuha ang 18-month cash payment ng kanilang basic monthly pension, ay tatanggap ng cash gift makalipas ang limang taon.

GSIS

SSS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with