^

Bansa

COA audit sa biniling COVID-19 vaccines, larga na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COA audit sa biniling COVID-19 vaccines, larga na
In this file photo a healthcare worker fills a syringe with Pfizer COVID-19 vaccine at a community vaccination event in Los Angeles, California, August 11, 2021.
AFP / Robyn Beck

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Health (DOH) na maayos na nagasta ang pondo para sa COVID-19 vaccines makaraang magpa-audit na umano sila sa Commission on Audit (COA) bago pa man igiit ng World Bank (WB) at Asian Development Bank (ADB) ang isang special audit.

Sinabi ng DOH na bahagi ng kanilang pangako ang pagsasagawa ng special audit sa mga ibinigay na loan ng WB at ADB.

“So rest assured that the DOH is well aware of the commitments that it needs to uphold as it relates to the loans we secured for the COVID-19 vaccine procurements, and that it will continue to be proactive in ensuring that our taxpayers’ money is well-spent,” pahayag ng DOH.

Nitong Setyembre pa umano sila nagpadala ng sulat sa COA para hilingin na magsagawa ng special audit sa nagastos sa COVID-19 vaccines, at pinili nila ang COA bilang auditing firm sa mga kasunduan.

Nitong nakaraang Martes, inihayag ni COA chairman Gamaliel Cordoba ang kahilingan ng WB at ADB ukol sa special audit. Kinumpirma rin niya ang pagpapadala ng sulat ng DOH sa kanila para magsagawa ng special audit para ma-liquidate ang lahat ng pinagkagastusan sa mga tinanggap na loans.

Pero binanggit din niya na nagpadala rin ng sulat si dating Health secretary Francisco Duque III na nagsasabing hindi sila makapagbibigay ng mga dokumento dahil sa pinirmahan nilang “non-disclosure agreements (NDA)” sa kanilang mga supplier.

Una nang sinabi ni Senador Sonny Angara na hindi pa nali-liquidate ng DOH ang bilyong pondo na pinambili ng mga bakuna dahil sa NDA. Nasa P8.93 bilyon sa ilalim ng 2021 national budget ang inilaan para sa bakuna at halos P70 bilyon pa mula sa mga foreign-loans.

Iginiit naman ni Senador Francis Tolentino na dapat maibigay na ngayon ang audit reports dahil sa ginawa ang pagbili ng mga bakuna sa dulong bahagi ng 2020 at umpisa ng 2021.

COVID-19 VACCINE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with