^

Bansa

Voter’s registration kasado na uli

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Voterâs registration kasado na uli
Voters patiently wait in line as they camp as early as midnight on the long queue for the last day of the voters’ registration at the local Commission on Elections (Comelec) office in Arroceros, Manila on July 23, 2022.
STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Hinikayat muli ng Commission on Elections (Comelec) ang mga Pilipino na hindi pa botante na mag­parehistro na sa muling paglalarga nila ng voter’s registration ngayong Disyembre.

Inanunsyo kahapon ng Comelec ang pag-uum­pisa ng pagpaparehistro ng mga bagong botante sa ­Disyembre 12 at magtatapos hanggang Enero 31, 2023.

Kabilang sa mga tatanggapin ang mga unang beses na boboto para sa Sangguniang Kabataan elections at mga regular na botante, paglilipat sa voter registration record, re-activation ng voting status, at pagtatama o pagbabago sa entry ng voter registration record.

Ipatutupad rin ng Comelec ang pilot ng kanilang Register Anywhere Project (RAP). Uumpisahan ito sa limang malls sa Metro Manila kabilang ang SM Fairview, SM Mall of Asia, SM South Mall, Robinsons Place Manila at Robinsons Galleria.

“Magsisimula po ito (RAP) sa Dec. 17, 2022 at tatagal hanggang Jan. 22, 2023. Sabado at Linggo po ito,” ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco.

Samantala, ang overseas voter registration ay mas maagang uumpisahan sa Disyembre 9 sa lahat ng mga Philippine Embassies at Consulate Generals sa buong mundo. Magtatapos ito hanggang Setyembre 30, 2024.

COMELEC

VOTER REGISTRATION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with