^

Bansa

Pagbabawal sa pagbebenta ng pampano, salmon sa palengke ‘anti-poor’ – Tulfo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinawag na “anti-poor” at “discriminatory” ni Sen. Raffy Tulfo ang umano’y kautusan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagbabawal sa mga palengke na magbenta ng mga isdang pink salmon at pampano.

Dahil dito kaya nakatakdang magpatawag ng pagdinig ang Senate Committee on Agriculture na pinamumunuan ni Sen. Cynthia Villar para pagpaliwanagin ang mga opisyal ng BFAR.

Sinuportahan naman ni Sen. Grace Poe ang pagdinig dahil nalalabuan siya sa kautusan gayung pinapayagan naman ang pagtitinda sa palengke at mga grocery ng ibang imported na isda.

Nanawagan naman si Poe sa Department of Agriculture (DA) na pagsabihan ang BFAR at ayusin ang kanilang kautusan na bigla na lamang ipinatutupad samantalang maraming taon na hindi ito pinairal.

Ayon naman kay ­Senate Minority Leader Koko Pimentel, dapat tanungin ang BFAR kung ano ang kanilang legal na basehan dahil hindi niya ito makita.

Iginiit pa ni Pimentel na kailangan na rin pag-aralan ng Senado ang paghihiwalay ng BFAR mula sa DA para higit nila itong mabantayan.

Nauna nang sinabi ng BFAR na simula Disyembre 4 ay kukumpiskahin na ang mga pink salmon at pampano sa wet market alinsunod sa BFAR fisheries administrative order no. 195 na maaari lang itong ibenta sa mga tinawatawag na institutional buyers tulad ng mga restaurant at mga kumpanya sa canning at processing industries.

BFAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with