^

Bansa

Mga lingkod bayan pamarisan si Gat Andres Bonifacio — CSC chief

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Alexei Nograles ang mga kapwa nito lingkod bayan na pamarisan ang pagmamahal sa Diyos at bayan na pamana ng isa sa dakilang bayani ng bansa na si Gat. Andres Bonifacio.

Ginawa ni Nograles ang pahayag kasabay ng paggunita sa ika-159 taong kapanganakan ni Bonifacio nitong Miyerkules, ang tinaguriang ‘Ama ng Himagsikang Pilipino, Supremo o pinuno ng Katipunan.

“Sa natatanging okasyon na ito, hinihimok ko ang lahat ng lingkod bayan na sariwain ang mga aral ng pakikibaka ng ating mga bayani tungo sa kalayaan. Bagama’t ang pagsisilbi sa bayan sa makabagong panahon ay may kalakip na ibang uri ng mga hamon at kaaway,” ang bungad na pahayag ng CSC Chairman.

“I urge all civil servants to reflect on the lessons gained from our heroes’ struggle for freedom. While modern-day public service presents a different set of hardships and adversaries, it calls on us to adhere to the same values as Bonifacio had—love of God and country, courage, good leadership, and determination to rise above the challenges in life,” ani Nograles.

Umaasa si Nograles na ang pamana ni Bonifacio ay magpatuloy sa puso’t isipan ng bawat isa, lalo na sa hanay ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan habang pinaglilingkuran nila ang mga kapwa Pilipino nang may buong husay, katapatan, at dedikasyon.

“Magkaisa tayo tungo sa pagkamit ng ating iisang adhikain na mas masagana at mas inklusibong kinabukasan. Hangad ko ang isang makabuluhang paggunita ng Bonifacio Day para sa lahat,” ang sabi pa ng opisyal.

CSC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with