^

Bansa

Pinas nasa tamang direksiyon sa Pangulong Marcos admin

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pinas nasa tamang direksiyon sa Pangulong Marcos admin
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. delivered his speech at Villamor Air Base on November 14, 2022 after attending the 40th and 41st ASEAN Summit and related summits in Phnom Penh, Cambodia.
STAR/ KJ Rosales

MANILA, Philippines — Mayorya ng mga Filipino ang naniniwala na patungo sa tamang direksyon ang bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Batay sa 4th quarter  2022 Tugon ng Masa survey ng OCTA, 85 percent ng mga Pilipino ang kumbinsidong nasa tamang direksyon ang Pilipinas, at 6 porsiyento lamang ang nagpahayag ng hindi pagsang-ayon.

Ang Visayas region ang nakapagtala ng pinakamataas na numero kung saan 91 porsyento sa mga adult Filipino ang nagsabi na tama ang mga ginagawa ng Pangulo, 87 porsyento naman ang naitala sa Balance Luzon o Metro Manila habang nasa 84 percent sa Mindanao.

Nasa 70 porsyento naman sa adult Filipino sa National Capital Region ang sumang-ayon sa mga programa ng Pangulo.

Sa pamamagitan ng mga socio-economic classes, ang Class D o ang lower middle class ay nagrehistro ng pinakamataas na kasunduan na ang bansa ay patungo sa tamang direksyon, na nagrerehistro ng 86 porsyento.

Sa kabilang banda, 81 porsiyento ng mga nasa ilalim ng Class E, o ang “pinakamahirap sa mga mahihirap,” at 79 porsiyento ng mga Class ABC, na karamihan ay binubuo ng upper middle class, ay naniniwalang ang bansa ay nasa tamang landas sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Ang OCTA survey ay isinagawa noong Okt. 23-27 na may 1,200 respondents.

Tinanong ang mga Pinoy respondent ng tanong na: “Batay sa mga patakaran at programang ipinakita at ipinatupad ng kasalukuyang administrasyon, sa tingin mo ba ay namumuno ang bansa sa tamang paraan?” — Gemma Garcia

FERDINAND R. MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with