^

Bansa

Tuluyang pagbabawal sa pagbebenta ng firecrackers, pyrotechnics itinulak sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Tuluyang pagbabawal sa pagbebenta ng firecrackers, pyrotechnics itinulak sa Kamara
Base sa data ng Department of Health (DOH), naging epektibo ang kanilang kampanya kontra sa pagpapaputok pero nabawasan lamang ang nadidisgraya.
The STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Upang maiwasan ang disgrasya lalo na sa pagsalubong ng Bagong Taon, isinusulong ni House Committee on Local Government Chairman at Valenzuela City Rep. Rex Gatchalian na tuluyan ng ipagbawal sa bansa ang pagbebenta, distribusyon at paggamit ng anumang firecrackers at pyrotechnics devices.

Si Gatchalian ay naghain ng House Bill 5914 o ang Firecrackers Prohibition Act upang ipatupad ang ‘total ban’ laban sa mga paputok upang maiwasan ang mga related firecrackers injuries.

Ayon sa mambabatas sa tuwing sasapit ang pagsalubong sa Bagong Taon ay maraming mga nadidisgrasya kabilang ang mga bata na nadidisgrasya kung saan kung mamalasin pa ay napuputulan ng mga daliri, kamay at iba pa kapag nasasabugan ng malalakas na uri ng paputok.

Base sa data ng Department of Health (DOH), naging epektibo ang kanilang kampanya kontra sa pagpapaputok pero nabawasan lamang ang nadidisgraya.

Tinukoy ng solon na ang mga bata at ‘young adults ‘ na edad 11-anyos at maging ang 30-anyos ang karaniwang nabibiktima ng mga ipinagbabawal na paputok tulad ng boga, 5 star, piccolo, super bawang, super lolo at iba pa.

Ang masaklap pa ay nabibiktima rin ang mga tinatawag na “passive spectators o bystanders” o ‘yung mga nanonood lang o nagdaraan sa lugar. Nilinaw naman ni Gatchalian na kapag naging ganap na batas, may “exemptions” pa rin lalo na sa mga okasyon o pagkakataon na kailangan ng mga paputok.

Kabilang dito ang mga korporasyon o kumpanya pero dapat makakuha muna ng “special permit” mula sa PNP-Firearms and Explosive Office.

FIRECRACKER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with