^

Bansa

Pangulong Marcos wala pa ring napipisil na DA sec.

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala pa rin napipisil si Pangulong Bongbong Marcos na kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Marcos na mayroon pa siyang mga gustong gawin o tapusin sa DA at ito umano ang dahilan kaya hindi niya pa maiwan ang kagawaran.

Sagot ito ni Pangulo sa tanong kung mayroon na siyang napipisil para maging kalihim ng ahensya matapos banggitin ni Executive Secretary Lucas Bersamin na mayroong pinagpipiliang mga pangalan para sa posisyon.

Kinumpirma naman ito ng Pangulo subalit sinabing pagkatapos pa ng checklist niya ng mga kailangang gawin sa DA makapagno-nominate ng magiging susunod na Agriculture secretary.

Hindi rin binanggit ng Presidente kung ilang mga pangalan ang nasa listahan dahil nagbabago umano ito kung saan may natatanggal at may nawawala.

BONGBONG MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with