^

Bansa

Crackdown ng BFAR vs pagbebenta ng imported fish sa palengke, pinasisilip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sisiyasatin ng Kamara ang crackdown ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) laban sa mga nagtitinda ng mga imported na isda gaya ng pampano at pink salmon sa lokal na merkado sa bansa.

Sa House Resolution 600 ni Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga Jr., nais niyang imbestigahan ‘in aid of legislation’ kung may sapat na batayan ang BFAR sa pagbabawal nito sa pagbebenta ng mga piling imported na isda na hindi naman endangered species.

Ayon kay Barzaga, nag-isyu ang Department of Agriculture noong Nob­yembre 10 ng Certificate of Necessity to Import (CNI) ng 25,000 metriko tonelada ng frozen ng mga maliliit na isda o yaong nahuhuli sa malalalim at malalayong bahagi ng karagatan para matugunan ang umano’y kakulangan ng isda sa panahon ng ‘closed fishing season’. Kabilang dito ang galunggong, big eye scuad, mackerel, bonito at moonfish sa palengke.

Ipinaliwanag ng BFAR na ang importasyon ng isda ay pinahihintulutan lamang hanggang sa pagtatapos ng fishing season na nagsimula noong Nobyembre 2022 at magtatapos sa Enero 2023.

Pinuna ni Barzaga sa mga lumabas na artikulo ay sinabi ng ahensya na ang pagbebenta ng imported pampano at pink salmon sa palengke ay ipinagbabawal sa ilalim ng Fisheries Administrative Order (EO) 195 dahil para lamang ito sa canning, processing at institutional buyers tulad ng mga hotels at restaurants.

Inihayag ni Barzaga na may pangangailangan para suriin ang direktiba ng BFAR na nagbabawal sa ibang uri ng isda tulad ng pampano at pink salmon sa inisyung CNI at bakit ta­nging ang mga ins­titutional buyers lang ang maaaring pahintulutang makabili nito na hindi man lamang ikinonsidera ang kapakanan ng iba pa.

 

BFAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with