^

Bansa

Presyo ng Noche Buena items, basic goods sumirit na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumaas ng may 13 percent ang ilang noche buena items tulad ng mga sangkap sa paggawa ng fruit salad na karaniwang handa ng mga Pinoy sa panahon ng kapaskuhan.

Ayon kay Steven Cua, presidente ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc. (PASAI), nitong Nobyembre ay nag-abiso ang mga manufacturers na magtataas ng presyo ng bilihin dahil sa laki rin ng operation cost sa negosyo na dapat nilang habulin.

Sinabi ni Cua na hindi lang mga Noche buena items tulad ng imported fruit cocktail ang nagtaas ng 13 percent ang presyo kundi ganun din ang produktong shampoo at lotion at ibang gamit sa pang araw-araw.

May 2 percent naman anya ang naging taas presyo ng mga sugary items tulad ng mga inumin, chocolates, peanut butter at jellies.

Hindi lamang prime commoditiies ang inaasahang may taas presyo kundi maging mga essential items.

Pinayo ni Cua sa publiko na dahil nagtaasan ang presyo ng bilihin ay dapat maging creative at resourceful sa kailangang bilhin sa panahon ng Kapaskuhan at ang mga kailangan lamang ang bilhin na sa palagay nila’y sulit na para sa okasyon.

Niliwanag naman ni Cua na hindi naman lahat ng items ay nagtaas ng presyo pero sa pagbili ng produkto ay laging tingnan ang expiration date ng produkto para mapangalagaan ang kalusugan mula sa kinakaing pagkain.

NOCHE BUENA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with