^

Bansa

Preso paghihiwalayin ng kulungan, depende sa krimen

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Preso paghihiwalayin ng kulungan, depende sa krimen
Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Gregorio Catapang, Jr. na mayroon nang regionalization plan para mapaluwag ang NBP kung saan nagsisiksikan ang nasa 30,000 na kaya lamang mag-accommodate ng 6,000 inmates.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Kasunod ng naging kontrobersiya sa New Bilibid Prison (NBP), planong paghiwa-hiwalayin ng piitan ang mga bilanggo o persons deprived of liberty (PDLs), depende sa nagawang krimen.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Gregorio Catapang, Jr. na mayroon nang regionalization plan para mapaluwag ang NBP kung saan nagsisiksikan ang nasa 30,000 na kaya lamang mag-accommodate ng 6,000 inmates.

Kabilang sa plano na pagsama-samahin ang mga preso sa bawat rehiyon ay mga karumal-dumal na krimen tulad ng murder, rape at may kaugnayan sa iligal na droga.

“Sa tatlong region na ‘yun, mamimili tayo saan ba ‘yung drugs, saan ba ‘yung rape, saka saan ba ‘yung murder.

Hindi namin sila pagsasama-samahin. So, maghi-hiwalay-hiwalay ‘yang mga ‘yan,” ayon kay Catapang.

Natukoy na ng BuCor ang mga lugar ng regionalization na kinabibilangan ng Central Luzon, Calabarzon, Central Visayas, Zamboanga Peninsula at Davao region.

Sa regional prisons ay magkakaroon din ng maximum, medium at minimum facilities.

Mas magiging madali na rin sa mga kaanak ng PDLs na madalaw ang kanilang mahal sa buhay kung mayroong regional penitentiary, kaysa pumunta pa sa NBP na malayo ang panggagalingan.

Masosolusyunan din ng regionalization ang problema sa ‘unclaimed’ cadaver ng PDLs, na dumarami dahil sa isyu ng pagbibiyahe kung iuuwi pa sa kanilang mga lalawigan.

Noong Biyernes ay ipinalibing ng BuCor ang nasa 60 bangkay na matagal nang nakatengga sa Eastern Funeral Services, sa Muntinlupa City.

Sa darating na Biyernes naman ay nakatakdang ipalibing ang 60 pang bangkay ng PDLs.

NBP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with