^

Bansa

Tuluy-tuloy na mutation ng COVID-19, asahan - DOH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Tuluy-tuloy na mutation ng COVID-19, asahan - DOH
Commuters endure the long queue as they wait in line to hop on a bus at the Roosevelt Avenue bus station along EDSA in Quezon City on November 2, 2022.
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Asahan na umano ng mga Pilipino na magtutuluy-tuloy ang mutasyon at pagsulpot ng iba’t ibang lineage ng COVID-19 sa mga darating pang panahon at kailangang matutunan ng lahat na mabuhay kasama nito ng may iba­yong pag-iingat sa kanilang kalusugan.

Ito ay makaraan na matukoy muli na nasa Pilipinas na ang Omicron subvariant BQ.1 na sinasabing nagdudulot ng panibagong pagtaas ng mga kaso sa Estados Unidos at sa ibang panig ng Europa.

Sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na natural na susulpot ang mga bagong variants kung magtutuluy-tuloy ang transmisyon nito at ang pinakamabisang dapat gawin ng lahat ay ang limitahan ang pagkalat nito sa pagpapalakas ng proteksyon ng mga sarili at mga establisimi­yento.

Idinagdag pa ni Vergeire na dapat maintindihan na ng publiko ang uri o abilidad ng virus at huwag umasa na lamang sa pagsasawalang-bahala kung mahahawa o hindi kapag bumababa ang kaso.

Muli niyang tiniyak na nananatili sa “low risk” ang healthcare utilization sa bansa sa kabila ng bagong subvariant at palaging handa kung sakaling may malaking pagtaas sa mga bagong kaso.

Sa ngayon, nananatili naman umano na epektibo ang hawak na bakuna ng pamahalaan laban sa severe cases. Pero patuloy na nananawagan ang DOH sa mga Pilipino na palakasin pang lalo ang kanilang panlaban sa virus sa pagpapabakuna o pagpapa-booster na dahil sa patuloy ang pagsulpot ng iba’t ibang mga variants.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with