^

Bansa

NAIA no. 3 ‘most stressful airport’ sa Asia, Oceania

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
NAIA no. 3 âmost stressful airportâ sa Asia, Oceania
Sinuri ng blog ang higit sa 1,500 mga review ng Google para sa higit sa 500 mga paliparan sa buong mundo, lalo na ang sentimiyento kaugnay sa naranasang stress.
PNA / Avito Dalan

MANILA, Philippines — Napabilang ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mga pinaka-stressful na ­paliparan sa Asia at Oceania, ayon sa data na nakolekta ng travel blog na Hawaiian Islands.

Sinuri ng blog ang higit sa 1,500 mga review ng Google para sa higit sa 500 mga paliparan sa buong mundo, lalo na ang sentimiyento kaugnay sa naranasang stress.

Ayon sa data, halos 58% ng mga pasaherong dumaraan sa NAIA ay nakakaranas ng stress, kaya ito pumangatlo sa pinaka nakaka-stress na airport sa mga rehiyon ng Asia at Oceania.

Ang Tan Son Nhat International Airport ng Vietnam ang nanguna bilang pinaka-stressful sa rehiyon na may 60.1% ng mga review na nagpapahiwatig ng stress, na isa rin sa pinakamataas sa buong mundo.

Pumapangalawa ang Sydney Kingsford Smith International Airport sa Australia na may ­matinding pagkaantala sa biyahe bilang isa sa mga posibleng dahilan kung bakit 59.0% ng mga review ng Google ay nagpapahiwatig ng stress.

Ang Sydney Airport ay ika-siyam sa buong mundo na may “extreme delay” na umaabot sa 34.2% ng mga flights na naka-iskedyul sa pagitan ng Mayo 26 hanggang Hulyo 19, 2022, ayon sa FlightAware na pinagsama-sama ng CNN Travel.

Ang pinaka-stressful airport sa mundo ayon sa data ay ang Manchester Airport ng United Kingdom, na mayroong 82.5% ng mga review na nagpapahiwatig ng stress — sa katunayan, apat sa nangungunang 10 ay natagpuan sa UK (kabilang ang Manchester), at lima pa ay nasa ibang lugar sa Europa.

Natuklasan din ng Hawaiian Islands travel blog na ang Toronto Pearson International Airport sa Canada, ang pinaka-naka-stress na paliparan sa North America at ang tanging non-European na paliparan sa global top 10, na may “worst delays na 52.5%.

NAIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with