^

Bansa

Ombudsman sisilipin Salmon, Pampano ban sa pamilihan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ombudsman sisilipin Salmon, Pampano ban sa pamilihan
Salmon and pampano are laid out in a market stall during an inspection by the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Release / Bureau of Fisheries and Aquatic Resources

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Ombudsman Samuel Martires ang malalimang pagbusisi kung bakit hindi agad naipatupad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang Fisheries Administrative Order No. 195 na nagbabawal na maibenta sa merkado ang mga imported na isda gaya ng pink salmon at pampano.

Kinuwestyon ni Martires kung bakit nag-abiso ang BFAR na sa December 4 ay kukumpiskahin na ang mga naibebentang imported na isda sa mga pamilihan gayung ang naturang utos ay noon pang taong 1999 naisabatas ng gobyerno.

Kinuwestyon din ni Martires kung bakit hindi pinalakas ng BFAR ang information campaign hinggil sa pagbabawal na maibenta ang imported na isda sa mga palengke.

Sinabi naman ni Nazario Briguera, Chief ng Information and Fisherfolk Coordination Unit ng  BFAR na matagal nang naipatupad ang batas.

“Hindi lang naman ngayon ipinatupad, in fact ‘yan ang ginagamit nating batas pagdating sa pagbibigay ng mga permit doon sa mga importers kapag ang kanilang market destination ay institutional buyers, nagkataon lang na nagkaroon tayo ngayon ng massive campaigns” paliwanag ni Briguera.

Sa ilalim ng FAO 195 na nilagdaan noong 1999, nakasaad dito ang pagbabawal na maibenta sa mga pamilihan at palengke ang imported na isda tulad ng Pampano at Pink Salmon upang bigyan daan ang pagbili ng mga Pinoy sa sariling huli na mga isda. Ang mga imported na isda ay maaari lamang ma-import ng mga malalaking kumpanya na gumagawa ng mga de-latang isda at mga restaurant na nagluluto ng imported fish.

Tatlong araw ang binigay ni Martires sa mga ­opisyales ng BFAR para magpaliwanag hinggil dito.

BFAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with