^

Bansa

Bong Go: POGO isarado kung perhuwisyo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinimok ni Senator Christopher “Bong” Go ang gobyerno na maingat na balansehin ang perhuwisyo at benepisyo na hatid ng mga Philippine offshore gaming operations (POGOs) sa bansa at tiyakin kung napananatili nito ang kapayapaan at kaayusan, gayundin ang pangangalaga sa buhay ng mga tao.

Ani Go, kung pulos kaperhuwisyuhan lamang at wala nang naibibigay na magandang benepisyo ay mas mabuti pang i-ban at tuluyan ng isarado ang mga POGO.

“Ako po ang posisyon ko po d’yan sa POGO, tingnan po natin ang cost and benefit ng operation ng POGO,” ani Go sa isang ambush interview matapos pangunahan ang paglulunsad ng ika-153 Malasakit Center sa bansa sa loob ng Overseas Filipino Workers Hospital  sa San Fernando City, Pampanga.

“Kung hindi naman po gano’n kalaki ang kita ng POGO para sa gobyerno (at sa Pilipino)… at mas lalala ang (problema sa) peace and order natin, naghahasik ng lagim itong mga dayuhan, nakakabahala po — ‘yung sila mismo ang  naghahari dito — mas mabuti pang i-ban na lang po,” idiniin ng senador.

Sa pinagsamang pagdinig ng Senado noong Miyerkules, nagbigay ang PAGCOR ng roadmap para sa pagtugon sa mga isyung nakapalibot sa mga POGO.

Sinabi ng PAGCOR na ang roadmap ay naglalayong “makamit ang pinakamainam na bilang ng mga lisensyado at unti-unting dagdagan ang kabuuang kita ng POGO sa susunod na limang taon, ngunit may mas matatag na balangkas ng regulasyon na mag-aalis ng mga operasyon ng iligal na online na pagsusugal at ang mga sakit sa lipunan na nauugnay dito.”

POGOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with