^

Bansa

2 trader na wanted sa estafa, timbog sa Malabon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumagsak sa batas ang dalawang negosyante na pawang wanted sa kasong estafa sa manhunt operation sa lungsod ng Malabon, ayon sa opisyal nitong Sabado.

Kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga akusado na sina Paolo Lexter Timbol, 32, negosyante at Rinalyn Preclaro, 27, negosyante, pawang residente ng D-14 Road 4 Don Julio Gregorio St., Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Daro, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon City Police na naispatan ang dalawa sa Brgy. Tinajeros ng lungsod.

Sa bisa ng warrant of arrest, hindi na nakapalag ang mga wanted nang arestuhin ng mga operatiba sa Goldendale Brgy. Tinajeros dakong alas-2:35 ng hapon.

Nahaharap ang mga suspect sa kasong 3 counts ng estafa kung saan may inirekomendang piyansa na P18,000 bawat kaso para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

AMANTE DARO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with