^

Bansa

Bigtime rollback sa petrolyo, kasado sa susunod na linggo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bigtime rollback sa petrolyo, kasado sa susunod na linggo
Ayon sa mga kumpanya ng langis, dahil sa presyuhan ng langis sa nagdaang apat na araw mula November 21 hanggang 24 ay bababa ang presyo ng diesel kada litro ng may P3.70 hanggang P3.90.
STAR/Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng bigtime rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa mga kumpanya ng langis, dahil sa presyuhan ng langis sa nagdaang apat na araw mula November 21 hanggang 24 ay bababa ang presyo ng diesel kada litro ng may P3.70 hanggang  P3.90.

Ang presyo naman ng gasolina ay bababa ng P1.10 hanggang P1.30 kada litro habang ang kerosene ay P2.20-P2.40 kada litro.

Niliwanag ni Asst. Director Rodela Romero ng Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) na base sa four-day oil trading ay magkakaroon ng rollback sa lahat ng produktong petrolyo.

Sinabi ni Romero na ang pagtaas ng kaso ng CO­VID-19 sa mainland China, mataas na crude inventory sa US at price cap na naipatupad ng Russian sa krudo ang pangunahing ugat ng inaasahang bawas presyo.

Sa Martes inaasahan ang ipatutupad na big-time oil rollback.

vuukle comment

FUEL PRICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with