^

Bansa

189 diplomatic protests, naihain ng Pinas vs China

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
189 diplomatic protests, naihain ng Pinas vs China
This May 2018 satellite imagery from Washington-based Asian Maritime Transparency Initiative show minor upgrade to facilities on Pag-asa Island, one of the largest features in the Spratlys.
CSIS / AMTI via DigitalGlobe

MANILA, Philippines — Nakapagtala na umano ang Pilipinas ng 189 diplomatic protest laban sa China ngayong taon.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Teresita Daza, 61 sa nasabing bilang ay nangyari nitong kasalukuyang administrasyon at ang kabuuang bilang ay para ngayong 2022 lang.

Giit pa ni Daza na ang note verbale ay pinadala base na rin sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos.

Nakasaad umano dito na humihingi ng paglilinaw ang Pilipinas mula sa China kaugnay sa insidente na kinasasangkutan ng Philippine Navy (PN) at Chinese Coast Guard sa karagatan ng Pag-asa island kung saan sapilitan umanong kinuha ng mga Tsinoy ang isang “unidentified floating object” (UFO) na hawak ng PN.

Sinabi naman ni DFA Secretary Enrique Manalo na pinag-aaralan na nila ang nasabing insidente bago pa magpadala ng note verbale sa Beijing.

Iginiit pa ni Manalo na naninindigan ang ­gobyerno sa pahayag ng naval forces kaya hihintayin nila ang sagot ng China para masimulan kung ano ang dapat gawin at sa proseso nito.

Inamin naman ng kalihim na technically ang note verbale ay isang diplomatic note dahil malinaw ang ulat na nakarating sa kanila kaya humihingi sila ng paglilinaw dito sa China.

 

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with