^

Bansa

Total ban ng POGO, posibleng irekomenda ng Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Total ban ng POGO, posibleng irekomenda ng Senado
Ayon kay Sen. Win Gatchalian, chairman ng ­Senate Ways and Means Committee, na marami pang nabulgar sa kanilang ginawang huling pagdinig nitong Miyerkules gaya ng hindi tamang nakokolektang buwis sa POGO dahil sa kwestyunable ang kredibilidad ng 3rd party auditor.
Vallery Hache / AFP

MANILA, Philippines — Posibleng irekomenda ng Senado ang total ban sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ayon kay Sen. Win Gatchalian, chairman ng ­Senate Ways and Means Committee, na marami pang nabulgar sa kanilang ginawang huling pagdinig nitong Miyerkules gaya ng hindi tamang nakokolektang buwis sa POGO dahil sa kwestyunable ang kredibilidad ng 3rd party auditor.

Sinabi pa ni Gatchalian na lumalabas na mas malaki ang dinideklara ng POGO sa Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) habang mababa naman sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Kaugnay nito, hindi naman kumbinsido si ­Gatchalian sa iprinisintang roadmap ng PAGCOR na umano’y parang “toilet paper” lang dahil marami naman umanong roadmap na hindi naipapatupad.

Iginiit pa ng senador na sa loob ng dalawang linggo ay maglalabas sila ng committee report sa usapin kung dapat pa bang panatilihin o ipagbabawal na ang POGO.

 

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with