^

Bansa

‘Backdoor deal’ ng Grab, Move It sinilip sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nangangamba ang ilang mambabatas sa tila kadu-daduda umanong “backdoor deal” sa pagitan ng Grab Philippines at Move It.

Sa pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development (MMD), nagpanting ang mga Kongresista ng aminin mismo ni Philippine Competition Commission (PCC) Division Chief for Notification and Acquisition Atty. Juan Antonio Arcilla na patuloy ang pagtaas ng pasahe sa channel ng pagpapataw ng multa ng PCC dahil sa overcharging nito.

Ikinairita naman ni 2nd District Marikina City Rep. Stella Quimbo ang kabiguan ng PCC na ipagbigay alam ang pagtataas ng Grab sa kabila na ang bansa ay malayo pa sa pag-recover na dulot ng pandemya.

Kasabay nito, inatasan  din ni 3rd District Manila Rep. Joel Chua ang Grab at Move It na isumite sa House Committee on Transportation ang mga dokumento ng kanilang naging bentahan o acquisition agreement.

Sinabi rin ni Chua na dapat malaman ang estado ng dalawang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) operator. 

Idinagdag pa ng lady solon na malinaw na mali, ilegal at hindi puwede ang backdoor entrance na gaya ng ginawa ng Grab at Move it.

Ilan pang mambabatas ang nagpahayag ng pagtutol sa naging backdoor deal na ayon sa kanila ay dapat mapatawan ng aksyon o parusa. 

Umaasa naman ang mambabatas na susundin ng dalawang transport company ang utos ng Kamara na isumite ang mga dokumento ng naging acquisition deal nang sa gayon ay mabigyang linaw ang maraming katanungan at malaman kung magkaiba o iisa lamang ba talaga ang Grab at ang Move It matapos ang kanilang naging backdoor agreement.

 

GRAB PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with