^

Bansa

Cambodian leader COVID-19 positive matapos i-host ASEAN Summit na dinaluhan ni Marcos Jr.

James Relativo - Philstar.com
Cambodian leader COVID-19 positive matapos i-host ASEAN Summit na dinaluhan ni Marcos Jr.
Pres. Bongbong Marcos kasama si Cambodian Prime Minister Hun Sen sa opening ceremony ng 40th at 41st ASEAN Summits sa Phnom Penh, Cambodia.
Video grab mula sa RTVM/ASEAN2022 Phnom Penh Media Center

MANILA, Philippines — Sinabi ni Cambodian Prime Minister Hun Sen na nagpositibo siya sa COVID-19 ilang araw matapos niyang pangunahan ang ASEAN Summit na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. atbp. world leaders sa Phnom Penh.

Ito ang ibinahagi niya sa kanyang Facebook page, Martes, matapos niyang dumating sa Indonesia para sa G20 summit. Sa kabila nito, hindi raw niya inaasahang magkakaroon ng sintomas.

"Beloved compatriots! Now I have tested positive for Covid-19," sabi niya kanina habang inililinaw na negatibo siya sa sakit bago lumipad papuntang Bali.

"I am not sure when this virus came to me, but when I arrived, the Indonesians took a sample from me in the evening, and in the morning it confirmed Covid-19 positive."

Si Hun Sen, na itinuturing na "longest-ruling Asian leader," ay nakaharap ng mga pinuno mula sa walong Southeast Asian countries gaya ni Bongbong. Katatapos lang nito noong Linggo.

Nakaharap din niya sina US President Joe Biden pati na ang ilang pinuno mula Tsina, Japan, Australia at Canada. Makikita sa ilang opisyal na larawan ng pagpupulong na wala siyang face mask habang kinakaharap ang mga naturang leaders at heads of state.

 

Sa kabila ng lahat ng ito, nagpapasalamat pa rin siya dahil na-late nang dating sa Bali at hindi nakasama kumain ang ilang leaders sa G20 Summit.

Uuwi ang Cambodian delegation ngayong araw at idiniing hindi niya muna makakaharap sina Chinese President Xi Jinping at French President Emmanuel Macron sa APEC summit sa Bangkok ngayong linggo.

Wala pa ring balita mula sa Malacañang kung patungkol sa lagay ng kalusugan ni Marcos Jr.

Si Bongbong ay ilang beses nang tinamaan ng COVID-19 noong taong 2020 at 2022 at isa nang senior citizen, na siyang malaki ang risk sa nasabing karamdaman. — may mga ulat mula sa Agence France Presse

ASEAN SUMMIT

BONGBONG MARCOS

CAMBODIA

JOE BIDEN

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with