^

Bansa

EU envoy bilib sa pangakong itaas ang kasanayan ng Pinoy seafarers

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines— Bilib at pinahalagahan ni European Union (EU) Ambassador sa Pilipinas na si Luc Veron ang pangakong suporta ni 2nd District Albay Rep. Joey  Salceda na higit pang mapataas ang pandaigdigang antas ng kasanayan ng mga Pinoy seafarers.

Ito’y kaugnay ng isinasagawang pagsusuri ng European Maritime Safety Agency (EMSA).

Si Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and Means at senior member din ng mahahalagang komite sa Kamara kabilang ang Trade and Industry  ay pinadalhan ng liham ni Veron kamakailan lamang.

Ipinaabot ng ambassador ang pasasalamat sa pagbibigay nito ng ibayong pagpapahalaga sa pagsusuri ng EMSA at sa pagtupad ng Pilipinas sa ‘International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW).”

Sa kaniyang liham ay binigyang diin ni Veron na alam ng mga awtoridad ng EU ang pang-ekonomiya ant panlipunang kahalagahan ng trabaho ng mga marinong Pinoy, hindi lamang sa kanilang bansa, kundi na rin sa European Union.”

Bago ito lumiham din si Salceda kay Veron kung saan tiniyak niya ang buong suporta ng Kongreso sa mga inisiyatibong magpapataas sa pandaigdigang antas ng kasanayan ng mga marinong Pinoy, kaugnay sa kasalikuyang pagsusuring ginagawa ng EMSA.

“Kasama ang mga 50,000 Marinong Pinoy na­ming nagtatrabaho sa Europa sa kumikita ng mala­king halaga ng mga dayuhang salapi. Mawawala sa aming bansa ang kita nila kung hindi sila papasa sa pagsusuri ng EMSA ngayong buwan,” sabi ni Salceda sa kanyang liham.

EU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with