^

Bansa

Confidential, intel funds ng OVP, DepEd, OSG itigil na – Pimentel

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Confidential, intel funds ng OVP, DepEd, OSG itigil na � Pimentel
Representatives from the Senate, economic managers, officials from the Department of Budget and Management (DBM), and Department of Finance (DOF), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), and the National Economic and Development Authority (NEDA) held a budget deliberation at the State Session Hall on Wednesday (November 9, 2022).
STAR/Mong Pintolo

MANILA, Philippines — Umapela si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa Office of the President (OVP), Department of Education (DepEd) at Office of the Solicitor General (OSG) na itigil na ang nakagawiang paghingi ng confidential at intelligence funds (CIFs).

Sa ilalim ng panukalang 2023 national budget ay may P500 milyon na CIF’s ang OVP, P150 milyon sa DepEd at P19.2 milyon sa OSG gayung wala naman sila nito sa mga nagdaang taunang pondo.

Ang OVP at DepEd ay nasa ilalim ng pamumuno ni Vice-President Sara Duterte habang ang OSG ay nasa ilalim ni Menardo Guevarra.

“Siguro pwedeng pakiusap dito sa mga ‘to na huwag nang umpisahan ‘yung practice, though how many years wala naman silang confidential funds, umpisahan nila ‘yung bagong practice. Hirap na pong pigilan ‘yan kapag naumpisahan na,” aniya sa deliberasyon ng badyet sa plenaryo.

Puna pa ng senador, napakalaki ng halaga ng CIF’s na hinihingi ng tatlong nabanggit na ahensiya.

Panawagan pa ni Pimentel sa deliberasyon ng panukalang P5.268 trilyong 2023 national budget sa naturang mga ahensiya na huwag nang umpisahan ang nasabing practice gayung ilang taon na silang walang confidential funds dahil mahirap na itong pigilan kapag naumpisahan na ito.

Sinabi pa ni Pimentel na kapag sumalang ang mga nasabing ahensya sa deliberasyon ay magpapanukala sila ng amendments para matapyasan ang CIF ng mga ito at hihilingin na mailipat ang nasabing pondo sa mga programa at proyekto na higit na kailangan ng bansa tulad ng pagkain, ayuda, trabaho at kalusugan.

Ikinatuwiran naman ni Sen. Sonny Angara, na talagang malaki ang halaga ng naturang pondo dahil lumalaki rin umano ang budget.

vuukle comment

DEPED

OSG

OVP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with