^

Bansa

Marcos Jr., nakakuha ng 78% approval rating – Pulse Asia

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Marcos Jr., nakakuha ng 78% approval rating â Pulse Asia
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. leads the opening ceremony of the Agrilink Foodlink Aqualink 2022 event at the World Trade Center in Pasay City on Thursday (October 6, 2022).
STAR/ KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nakakuha ng mataas na approval rating si Pangulong Ferdinand “Bongbong”Marcos Jr. sa latest survey ng Pulse Asia.

Sa survey na ginawa noong September 17- 21 na nilahukan ng 1,200 respondents, lumabas na 11 sa 13 isyu sa Pilipinas ang maayos na napangasiwaan ng administrasyong Marcos.

Pinakamataas dito ang pagtugon ng gob­yerno sa pangangailangan ng mga lugar na nasalanta ng bagyo na nakakuha ng 78% approval at 3% disapproval.

Nakakuha rin ang administrasyon ng 78% approval sa pagkontrol sa COVID-19 pande­mic; 68% sa pagtaguyod ng kapakanan ng mga OFWs; 69% sa pagpapanatili ng kapayapaan; 67% sa paglaban sa krimen; at 62% sa pagpapatupad ng batas.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, masaya ang mga Pilipino sa naging pagtugon ng administrasyon ni Pangulong Marcos partikular na sa mapa­minsalang super typhoon Karding.

Inihayag ni Romualdez na ang desisyon ng gobyerno na ipagpatuloy ang pagbubukas ng ekonomiya habang tinitiyak na mapipigilan ang pagkalat ng COVID ay nagpalakas sa kahandaan ng health care system na nagresulta sa mas marami pang aktibidad sa ekonomiya, maraming trabaho at pagtaas ng kita ng mga tao.

“The Pulse Asia survey also showed that the Marcos administration received high marks ranging from 52 percent to 69 percent in the areas of promoting peace, protecting the welfare of overseas Filipinos, fighting criminality, enforcing the law, creating jobs, increasing workers’ pay, right graft and corruption, protecting the environment, and defending the country’s territorial integrity”, ayon sa solon.

Ayon kay Romualdez, ang pagtaas ng inflation ay dahilan sa pagbulusok ng piso sa palitan nito sa dolyar, pagtaas ng presyo ng crude oil sa pandaigdigang pamilihan at dahilan sa mga sagabal sa supply chain dulot ng COVID at giyera ng Russia laban sa Ukraine.

FERDINAND MARCOS JR.

PULSE ASIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with