^

Bansa

Police security sa POGO, ipinatigil ng DILG

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Police security sa POGO, ipinatigil ng DILG
Ang desisyon ay ginawa ni DILG Secretary Benhur Abalos bilang reaksiyon sa pagku­westyon ng mga senador sa deployment ng mga tauhan ng Philippine National Police Police Security and Protection Group (PNP-PSPG) sa mga dayuhan na nagtatrabaho sa POGO industry.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Ipinatigil ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagbibigay ng police security detail sa mga dayuhan na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Ang desisyon ay ginawa ni DILG Secretary Benhur Abalos bilang reaksiyon sa pagku­westyon ng mga senador sa deployment ng mga tauhan ng Philippine National Police Police Security and Protection Group (PNP-PSPG) sa mga dayuhan na nagtatrabaho sa POGO industry.

Ayon kay Abalos, agad ipatutupad ang pagtatanggal ng police security sa mga POGO operators.

Sinasabing ang dapat bantayan ng mga pulis ay mamamayan ng bansa at hindi ang mga dayuhan na operator ng POGO.

Nilinaw naman ni PNP chief Rodolfo Azurini Jr. na ipinasuri muna ang mga indibidwal bago bigyan ng police security makaraang humingi ang mga ito ng tulong mula sa PNP-PSPG upang matiyak ang seguridad habang nasa bansa.

DILG

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with