^

Bansa

Pinas, nangunguna sa global disaster risk index

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nangunguna ang Pilipinas sa listahan ng mga global disaster risk hotspots batay sa pina­kabagong ulat ng World Risk Index, ang sumusukat sa pagkakalantad at kahinaan ng isang bansa sa mga natural na panganib.

Sa pag-aaral ng Germany-based Bündnis Entwicklung Hilft at ng Institute for International Law of Peace and Armed Conflict (IFHV) sa Ruhr University Bochum, ay nakita na ang Pilipinas ay nakakuha ng index score na 46.82.

Isa rin ang Pilipinas sa mga bansang natukoy na delikado sa mga sakuna dulot ng matinding natural na pangyayari, na kinabibilangan ng lindol, bagyo o pagbaha.

Pumangalawa ang India sa index score na 42.31, pumangatlo ang Indonesia (41.46) at pang-apat ang Colombia (38.37). Ang Mexico, Myanmar, Mozambique, China, Bangladesh at Pakistan ay naging bahagi din ng nangungunang 10 bansa sa mundo na may pinakamataas na marka ng panganib sa kalamidad.

Ang mga “risk hotspot” ay sinasabing matatagpuan sa America at Asia.

Noong 2021, ika-walo ang Pilipinas sa risk index na may markang 21.39 at ika-9 sa mga bansang may pinakamataas na pagkakalantad sa ­kalamidad.

Ang Pilipinas ay tinatamaan ng average na 20 bagyo bawat taon at heograpikal na matatagpuan sa Pacific Ring of Fire.

vuukle comment

WORLD RISK INDEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with