^

Bansa

Mangingisdang Pinoy sa Scarborough Shoal, dumarami

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mangingisdang Pinoy sa Scarborough Shoal, dumarami
Kahapon, naglabas ng mga larawan ang PCG na nagpapakita ng nasa 20 bangkang pangisda sa lugar.
STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Patuloy umanong dumarami ang mga mangi­ngisdang Pinoy na pumapalaot sa Bajo de Masinloc o tinatawag din na Scarborough Shoal dahil sa pagbabantay ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kabila ng patuloy na presensya ng mga Chinese maritime forces.

Kahapon, naglabas ng mga larawan ang PCG na nagpapakita ng nasa 20 bangkang pangisda sa lugar.

Nangako naman si Coast Guard spokesman Commodore Armand Balilo na patuloy na magtatalaga ng kanilang mga asset at tauhan sa lugar na sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Hinikayat din niya ang ibang mga mangingisdang Pilipino na mangisda na sa Bajo de Masinloc.

Patuloy na nagpapatrulya sa naturang bahagi ng karagatan ang BRP Gabriela Silang at BRP Suluan habang apat na barko ng Chinese Coast Guard naman ang naiulat na nagpapatrulya rin sa bisinidad.

Nag-umpisa ang pag-angkin ng China sa lugar noong 2012 sa pamamagitan ng itinutulak nilang “9-dash line” na halos umaangkin sa buong South China Sea.

Iniakyat ito ng Pilipinas sa international court na nagdeklara noong 2016 na walang basehang legal ang Beijing sa pag-angkin sa teritoryo.

Patuloy na hindi pinapansin ng China ang naturang kautusan habang nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na susundin ang kautusan ng international court at hindi papayagan ang China na tapakan ang karapatan sa karagatan ng Pilipinas.

PCG

SCARBOROUGH SHOAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with