^

Bansa

Relief assistance mission ni Sen. Imee umabot na sa Aurora at Quezon

Pilipino Star Ngayon
Relief assistance mission ni Sen. Imee umabot na sa Aurora at Quezon
Si Sen. Imee Marcos sa kanyang relief assistance mission sa mga sinalanta ng bagyong Karding sa Aurora Province at Polillo Island.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang linggo matapos ang bagyong Karding, nakabalik na sa normal ang Metro Manila, ngunit marami pa ring lugar sa Luzon ang naghihingalo at nangangailangan ng tulong.

Dahil dito, nagsagawa ng relief assistance mission si Sen. Imee Marcos sa mga lugar na matinding nasalanta ng bagyo gaya ng Dingalan sa Aurora Province at sa Polillo Island sa Quezon Province upang mapalawak ang paghatid ng ayudang personal at galing sa gobyerno.

Gaya ng kanyang ginawa noong Martes sa Gapan, Nueva Ecija at sa San Miguel, Bulacan, mu­ling namahagi si Senadora Marcos ng tig-P5,000 sa sanlibong residenteng nawasak ang bahay sa Dingalan at sanlibo din sa Polillo Island.

May 4,000 nang residente ang nakatanggap ng perang ayuda, sa ilalim ng programa ng DSWD na AICS o Assistance to Individuals in Crisis ­Situations.

Para naman sa mga magsasakang napinsala ang mga pananim at ­mangingisdang nasira ang mga bangka, naglaan si Imee ng P20 milyon mula sa Department of Agriculture, kung saan ang apat na probinsya na matinding nasalanta ng bagyo ang nakatanggap ng tig-5 milyon.

Todo-pasasalamat naman sina Congressman Rommel Angara, ­Governor Gerardo Noveras at Mayor Sherwin Taay ng Dingalan, Aurora dahil si Sen. Marcos ang kauna-unahang mataas na opisyal ng pamahalaan na nagpaabot ng tulong at dumalaw sa kanilang bayan.

IMEE MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with