^

Bansa

Undas magiging COVID-19 super spreader – DOH

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling nagpaalala sa publiko ang Department of Health (DOH) na maaaring maging ­COVID-19 ‘super spreader event’ ang pagpunta ng publiko sa mga sementeryo sa ­darating na Undas ngayong ­Nobyembre.

Iginiit ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi ­kinakategorya ang Undas na “low risk setting” dahil taun-taong ­dinadagsa ng napakaraming tao ang bawat sementeryo.

Kaya payo ni Vergeire ang mahigpit na pagsusuot pa rin ng face mask ng bawat isa kahit na niluwagan na ang pagsusuot nito sa mga ‘outdoors’, bilang pamproteksyon sa sarili at maging sa mga uuwian na mga kaanak.

Nagpaalala rin ang opisyal na dapat nakapagpaturok na kahit ng unang dose ng booster shot bago magtungo sa puntod ng mga minamahal para may dagdag na proteksyon laban sa virus.

Sa ngayon ay nakikitaan ang bansa ng bahagya ngunit patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, kaya malinaw na masasabi na nananatili ang banta ng COVID-19 sa lahat.

Ngunit dahil sa mga nakaraang karanasan, naniniwala si Vergeire na alam na ng mga Pilipino ang kanilang gagawin para makaiwas na mahawa sa virus dahil ito na ang ikatlong Undas na nasa pandemya ang bansa.

COVID-19

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with