^

Bansa

Chavez, Remulla, Toledo, Soriano pinagpipiliang maging Press Secretary

Mer Layson, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Chavez, Remulla, Toledo, Soriano pinagpipiliang maging Press Secretary
Kabilang sa mga nasa short list sina Transportation Undersecretary Cesar Chavez, PAGCOR board director Gilbert Remulla, Atty. Michael “Mike” Toledo ng Metro Pacific Investment Corp. at movie director Paul Soriano.
Bicol Standard, File

MANILA, Philippines — Apat na personalidad ang pinagpipilian na ma­ging kapalit ng nagbitiw na si Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles.

Nauna nang inihayag ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevara na malapit nang pangalanan ang bagong Press Secretary.

Kabilang sa mga nasa short list sina Transportation Undersecretary Cesar Chavez, PAGCOR board director Gilbert Remulla, Atty. Michael “Mike” Toledo ng Metro Pacific Investment Corp. at movie director Paul Soriano.

Inamin ni Chavez na isinasaalang-alang siya bilang Press Secretary pero hindi siya interesado sa posisyon dahil ibang larangan ang espesyalidad niya.

“Binanggit ko na ang concentration ko ay rail sector. Sinabi ko na hindi ako interested sa press office ng Malacañang,” pahayag ni Chavez.

Inamin din ni Chavez, dating chief of staff ni Manila Mayor Isko Moreno, na maraming “competent” na kandidato para sa Press Secretary.

Sa kabila nito, sinabi ni Chavez na kailangan niya ng mas maraming oras para pag-isipan ang alok, at tatalakayin niya ang bagay na ito kay DOTr Secretary Jaime Bautista.

Ayon naman kay Remulla, dating kinatawan ng Cavite at broadcast journalist, na kasalukuyan ay masaya siya bilang direktor ng PAGCOR.

Si Remulla ay pinangalanan bilang isa sa mga miyembro ng PAGCOR board of directors noong Agosto.

Samantala, nagpahayag nang kahandaan si Toledo sakaling ialok sa kanya ang posisyon.

Ayon kay Toledo, isang karangalan na magsilbi sa administrasyon ni Pangulong Marcos.

Handa anya siyang maglingkod sa abot ng kanyang makakaya.

Una nang nagsilbing Press Secretary si Toledo sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Samantala, nauna nang kinumpirma ng direktor ng pelikula na si Paul Soriano na kinokonsidera rin siyang press secretary, pero inamin niyang mas gusto niyang magtrabaho sa likod ng mga eksena.

Si Soriano ang direktor ng unang State of the Nation Address ng Pangulo. Pamangkin din siya ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa pamamagitan ng first cousin nitong direktor na si Gines Soriano.

TRIXIE CRUZ-ANGELES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with