^

Bansa

Increase sa DOH budget, aprub kay Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go na palakasin pa ang healthcare system sa public hearing ukol sa panukalang 2023 budget ng Department of Health noong Lunes.

Sa pagdinig, binigyang-diin ni Go, chair ng committee on health and demography, ang kahalagahan ng 2023 budget ng DOH para sa pagbangon ng bansa mula sa pandemya at iginiit ang kanyang pagsuporta sa pagtataas ng pondo ng ahensiya para sa pagpapabuti ng sistema ng pangangalagang pangkalusugan.

Sinabi ni Go na kailangang i-capacitate at maayos na mabayaran ang health workforce upang palakasin ang healthcare capacity ng bansa.

Para maisakatuparan ito, ipinunto ni Go na dapat tiyakin ng gobyerno ang pagpopondo para sa allowance na kasama sa Republic Act No. 11712, o ang Public Health Emergency Benefits and Allowances for Health Care Workers.

Sinabi ni Go na ang DOH ay naglaan ng badyet na PhP19.9 bilyon na maaaring masakop ang mga benepisyo sa loob ng tatlong buwan.

Binigyang-diin din ni Go ang pangangailangang i-upgrade ang mga pampublikong ospital lalo na’t umaasa sa kanila ang mga mahihirap na pasyente.

Tiniyak ni Go sa DOH na handa siyang tumulong sa nasabing gawain. Ibinahagi ni Go na ang kanyang komite, noong nakaraang Kongreso, ay nakapagpasa ng 69 batas para sa pagpapabuti at pagtatatag ng iba’t ibang pampublikong ospital sa buong bansa.

CHRISTOPHER “BONG” GO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with