^

Bansa

Angeles, Calida nagbitiw sa puwesto  

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Angeles, Calida nagbitiw sa puwesto   
Lawyer-vlogger Trixie Cruz-Angeles held her first press briefing as the new Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary at the New Executive Building in Malacañang.
The STAR/KJ Rosales, File

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Malacañang na nagbitiw sa puwesto sina Press Secretary Trixie Cruz-Angeles at Commission on Audit Chair Jose Calida.

Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevara, medical reasons ang ibinigay na dahilan ni Cruz-Angeles.

“I tendered my resignation this morning, effective end of business hours today. Due to health reasons.  It was a pleasure working with you,” ani Cruz-Angeles.

Nagpasalamat din si Cruz-Angeles kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Dagdag pa ni Guevarra, nasa proseso sila ngayon ng pagtulong sa naturang tanggapan upang tugunan ang nabakanteng posisyon.

“Wala pa pong ba­gong Press Secretary…We’re still in the process of helping the Office address the resignation,” ani Guevara.

Samantala, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na tinanggap ng Pa­ngulo ang resignation ni Calida.

Ginawa ni Calida ang pagbibitiw matapos ma-bypass ng Commission on Appointments.

Ayon kay Bersamin, nanghihinayang ang Pangulo na nagbitiw si Calida.

“We accepted that with regret and we commend him for his patriotism,” pahayag ni Bersamin.

Sa ngayon aniya, wala pang napipili si Marcos na kapalit ni Calida.

Katunayan, marami pa aniya ang hindi nakaaalam na nagbitiw na si Calida.

TRIXIE CRUZ-ANGELES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with