^

Bansa

POGO-related kidnappings, wala na - PNP

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala nang naitalang kidnapping at iba pang krimen na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang Philippine National Police (PNP) simula pa noong Setyembre 15.

Ang pahayag ay ginawa ng PNP sa pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means noong Lunes kung saan siniguro nila sa mga senador na gumawa na ang kapulisan ng mga hakbang para maresolba ang mga krimen na may kinalaman sa POGO.

Ito ay nagresulta umano sa zero-Pogo-related crimes sa National Capital Region (NCR), Region III at Region IV-A sapul nang talakayin ng Senado ang iba’t ibang isyu ng POGO noong Setyembre 15.

Sa naturang pagdinig, hiningan ni Sen. Ronald dela Rosa ng update ang PNP kung may naita­lang mga krimen na may kinalaman sa POGO nitong nagdaang mga linggo.

Tugon naman ni Police Brig. Gen. Jonnel Estomo, acting regional director ng National Capitol Region Police Office (NCRPO), “magmula tayo nag-hearing, up to today, walang insidente ng kidnapping sa Metro Manila.”

Inamin din nina Region 3 acting regional director PBGen Cesar Pasiwen at Region IVA acting regional director PBGen Jose Melencio Nartatez Jr.,na walang naitalang insidente ng POGO sa Central Luzon at Calabarzon nitong mga nagdaang linggo.

Sinuportahan naman ni Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry President Eugene Ang ang testimoniya ng mga opisyal ng PNP.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with