Pagpunta ni Pangulong Ferdinand Marcos sa Singapore, kinumpirma ng Malacañang
MANILA, Philippines — Kinumpirma na ng Palasyo ng Malacañang na nagtungo sa Singapore nitong weekend si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung saan una nang napaulat na nanood siya ng Formula 1 Grand Prix.
Base sa Facebook post ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, sinabi nito na naging produktibo ang pagtungo ni Marcos sa Singapore.
Sinabi ni Cruz-Angeles na pinagtibay ng Pangulo ang mga pangunahing usapan sa huling state visit sa Singapore at itinuloy ang paghihikayat sa pag-invest sa bayang Pilipinas,” pahayag ni Angeles.
Una nang kinumpirma ni Singaporean Minister for Manpower Tan See Leng na nagtungo si Marcos sa Singapore.
Bukod sa Pangulo, nakausap din ni Tan si Palau President Surangel Whipps Jr. at iba pang opisyal mula sa Cambodia at Saudi Arabia.
Nakasama ni Marcos sa Singapore ang anak na si Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos, at pinsan na si House Speaker Martin Romualdez.
- Latest