^

Bansa

Mandatory drug test sa mga artista, itinulak

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Mandatory drug test sa mga artista, itinulak
Ito ang mungkah ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, kasunod na rin ng pagkakaaresto ng pulisya sa aktor na si Dominic Roco at apat na kasamahan sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon City nitong Sabado ng umaga.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dapat munang sumailalim sa mandatory drug test ang bawat artista bago ito bigyan ng pelikula o project sa telebisyon.

Ito ang mungkah ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, kasunod na rin ng pagkakaaresto ng pulisya sa aktor na si Dominic Roco at apat na kasamahan sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon City nitong Sabado ng umaga.

“Actors, actresses and other movie celebrities should all be drug-free because they are public figures that are being idolized by the public, particularly the Filipino youth. ” ani Barbers.

Ang mga artista ang nagsisilbing ehemplo ng publiko at malakas na ‘influencer’ kaya dapat lamang na malinis ang kanilang imahe.

Bagamat marami sa mga artista ang hindi gumagamit ng iligal na droga, mayroon din umanong sumusubok at gumagamit na humahantong pa sa pagtutulak.

Ayon kay Barbers, dapat na bantayan at higpitan ng mga namumuno sa movie industry ang mga artista at paigtingin ang kampanya laban sa droga sa pamamagitan ng pag-police sa kanilang ranks at i-subject ang kanilang mga talents sa drug test.

Matatandaang nahuli sa illegal drug si Roco at apat pa niyang kasamahan, nang salakayin ang isang townhouse sa Barangay Holy Spirit, QC nitong Oktubre 1.

Ang grupo ni Roco na nasa kustodiya pa rin ng pulisya ay nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

DRUG TEST

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with