^

Bansa

P544 bilyong lump sum sa DPWH budget, kinuwestyon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mayroong P544 bilyong lump sum appropriations ang Department of Pubic Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng panukalang 2023 national budget.

Ito ang ibinunyag ni Senate Minority leader Koko PImentel at sinabing ang nasabing halaga ay hindi maliit dahil ang katumbas nito ay 75% ng total appropriations ng DPWH sa susunod na taon.

Mahigit sa P718.4 bilyon ang alokasyon ng DPWH sa ilalim ng panukalang P5.268 trilyon National Expenditures Program (NEP).

Sa ngalan umano ng transparency ay nanawagan si Pimentel sa DPWH na magbigay ng mga detalye sa napakalaking alokasyon na ito hanggang sa pinakahuling sentimo para ang Senado at ang publiko ay masuri ito.

Giit ng senador lumang tugtugin na nag pagtatago ng bilyon-bilyong piso na lump sum na umanoy lantad sa pag-abuso.

Iginiit pa ni Pimentel na karamihan sa lump sum funds ay nakatago sa central office ng DPWH.

DPWH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with