^

Bansa

Online exam ng magre-renew ng lisensiya, aalisin na ng LTO  

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Online exam ng magre-renew ng lisensiya, aalisin na ng LTO   
Ito, ayon kay LTO Chief Teofilo Guadiz ay upang maiwasan na magamit ng mga “fixer” ang online na CDE exam upang maka­singil ng malaki sa mga nais magpa-renew ng kanilang driver’s license.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Tatanggalin na ng Land Transportation Office (LTO) ang online na pagkuha ng exam ng mga magre-renew ng drivers license o ang  Comprehensive Driver’s Education (CDE) online validation exam.

Ito, ayon kay LTO Chief Teofilo Guadiz ay upang maiwasan na magamit ng mga “fixer” ang online na CDE exam upang maka­singil ng malaki sa mga nais magpa-renew ng kanilang driver’s license.

Noong nagdaang buwan ay isang technical working group (TWG) ang binuo ng LTO para mawakasan ang modus ng mga fixer sa ahensiya kabilang na rin ang pamemeke ng mga certificate ng driving schools.

Pinag-aaralan na ng TWG ang mga opsyon upang matiyak na ang mismong aplikante sa renewal ng driver’s license ang humaharap sa seminar at pagsusulit at hindi ang fixer.

“Ang kailangan lang duon, we feel is that kulang lang ‘yung app ng facial recognition for us to be able to effectively use the portal. If that feature is added, hindi na puwedeng mangdaya. Dapat kitang-kita ng portal ‘yung nag-eexam, ‘yung tala­gang may-ari ng driver’s license. We’re in that process now of developing this facial recognition not only for this portal in renewing driver’s license but in our future plan also na ‘yung driver’s license renewal will now be done online,”dagdag ni Guadiz.

CDE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with