^

Bansa

Rollback uli sa presyo ng petrolyo, asahan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Rollback uli sa presyo ng petrolyo, asahan
This undated file photo shows a station attendant filling a customer's gas tank with fuel.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Magkakaroon na naman ng isa pang bugso ng pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito na ang pang-limang beses na pagpapatupad ng oil price rollback sa bansa.

Inaasahang sa Oktubre 4, araw ng Martes ay magbababa ang UniOil ng P0.50 hanggang P0.60 kada litro bawas sa presyo ng diesel habang P0.40  hanggang P0.50 kada litro naman sa gasolina.

Ang panibagong oil price rollback ay dulot umano ng oil trading data mula September 26-30 bunsod na rin ng pagbaba ng piso kontra dolyar.

Ayon naman sa ilang source sa oil industry, ang presyo ng diesel ay bababa ng P0.30 hanggang P0.70 kada litro habang ang gasolina ay bababa ng P0.20 hanggang P0.60 kada litro.

Noong September 27 ay nagkaroon na ng pagbaba sa halaga ng gasolina ng may P1.65 hanggang  P1.75 kada litro habang sa diesel ay bumaba ng  P1.25 kada litro.

OIL PRICE ROLLBACK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with