^

Bansa

Marcos sa LGUs: Gumamit ng bagong teknolohiya

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Marcos sa LGUs: Gumamit ng bagong teknolohiya
President Ferdinand Marcos Jr delivers his first State of the Nation address at the House of Representatives in Quezon City on July 25, 2022.
Aaron Favila via AFP / pool

MANILA, Philippines — Hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga lokal na pinuno ng pamahalaan na pagbutihin ang kanilang trabaho sa pamamagitan ng paggamit ng pinakabagong teknolohiya at mga ma­kabagong pamamaraan.

Sa isinagawang mass oath-taking ng mga bagong halal na opisyal at directorate members ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa Palasyo ng Malacañang sa Maynila, sinabi ni Marcos sa mga alkalde na  dapat ay palaging may puwang para sa paglago at pagbabago.

“In seeking and employing the best solutions for our people, let us be open to all the latest innovations, new ideas, and fresh perspectives,” ani Marcos sa maikling video clip ng state-run Radio Television Malacañang (RTVM) sa kanilang Facebook page.

Pinayuhan din ni Marcos ang mga local executives na tanggapin ang pakikipagtulungan sa pribadong sektor sa pagsusulong ng infrastructure development at digital transformation.

“Let us include private partnerships to maximize the service that we give to the people. Let us use that to implement critical projects in each locality, especially those related to infrastructure and digitalization,” ani Marcos.

Tiniyak din ng Pa­ngulo sa mga lokal na pinuno ang suporta ng national government sa gitna ng kanilang paghahanda para sa ganap na paglilipat ng mga res­ponsibilidad sa mga local government units (LGUs).

Sinabi ni Marcos na ang probisyon ng Local Government Support Fund - Growth Equity Fund (LGSF-GEF) ay titiyakin na “walang LGUs ang naiwan.”

Makikinabang sa LGSF-GEF Program ang humigit-kumulang sa 430 LGUs na binubuo ng tatlong probinsya, pitong lungsod, 150 munisipalidad, at 270 barangay mula 2022 hanggang 2023.

Ang programa ay nag­lalayong magbigay ng karagdagang pondo sa mga LGUs na kini­lala bilang mahirap, dis­advantaged, at nahu­huli upang suportahan ang pagpapatupad ng kanilang mga prayoridad na proyekto at serbisyo.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with