^

Bansa

Globe, haharangin na ang mga ‘clickable links’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Globe, haharangin na ang mga âclickable linksâ
Full names are now appearing on text spams raising concern among Filipinos. According to a National Privacy Commission official, names may have been manually or automatically scraped from certain apps.
Philstar.com/EC Toledo

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Globe Telecom Inc. ang pansamantalang pag-block sa lahat ng text messages mula sa prepaid at postpaid numbers na nagtataglay ng Uniform Resource Locators (URLs) o website links bilang bahagi ng hakbang ng kumpanya na mapigilan ang spam at scam text messages sa kanilang milyong subscribers.

“Before implementing this measure, what we were doing was blocking access to malicious links in text messages to help protect customers. This time around, we’re blocking the actual message. If the SMS (short message service) has a link of any kind, we are not going to deliver it, period. This is necessary to protect our customers,” pahayag ni Globe chief information security officer Anton Bonifacio.

Kamakailan ay nagpalabas ng kautusan ang National Telecommunications Commission (NTC) sa lahat ng telcos na pigilan ang URLs, links at quick response codes sa text messages dahil sa naglipanang spam text messages na gamit ang tunay na pangalan ng recipients.

Ayon kay Bonifacio, ang SMS blocking ay ipatutupad habang naka-pending ang pagpapatupad ng SIM Registration Bill na niratipikahan na ng Kongreso at Senado at kailangan lamang na mapirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para maging ganap na batas.

Ayon sa Globe, ang hakbang ay may malaking tulong upang mapalakas ang kapasidad ng pamahalaan na mahuli ang mga cybercriminals at mga nagsasamantala sa digital technology at tuloy maprotektahan din ang kanilang sistema at mga subscribers mula sa mga panloloko.

GLOBE TELECOM INC.

NTC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with