^

Bansa

Philippine judges protektado kay CJ Gesmundo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Philippine judges protektado kay CJ Gesmundo
Chief Justice Alexander Gesmundo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa mga hukom sa buong bansa na gagawin ng ­Korte Suprema ang lahat ng makakaya nito upang maprotektahan sila sa anumang banta sa kanilang buhay at panggigipit.

Ginawa ng punong mahistrado ang kanyang pahayag matapos silang magdesisyon ng kanyang mga kasamahan sa kataas-taasang hukuman noong Martes na pag-aralan kung ano ang maaaring maging parusa laban kay dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict spokesperson Lorraine Badoy dahil sa di-umano’y pag-red tag at panggigipit nito kay Manila Regional Trial Court Judge Marlo Magdoza Malagar.

Nag-ugat ang sinasabing aksiyon ni Badoy laban kay Malagar matapos ibasura ng hukom ang petisyon ng Department of Justice (DOJ) na idekla­rang mga teroristang grupo ang Communist Party of the Philippines (CPP) at ang armadong puwersa nito na New People’s Army (NPA).

Sa kanyang pagsasalita sa Annual Convention of the Metropolitan and City Trial Judges Association of the Philippines (METCJAP) sa Boracay Island, Aklan noong Huwebes, binigyang-diin ni CJ Gesmundo na seryoso ang judicial branch ng pamahalaan sa pagtiyak sa kaligtasan ng mga hukom na itinuturing na nangunguna sa paghahatid ng hustisya sa mga mamamayan at lipunan.

“While it is our constitutional duty to supervise our lower courts, it is our moral duty to protect each of you and ensure that you are able to perform your duties free from any threat, harassment, undue influence, coercion, and, certainly, any form of violence,” ani CJ Gesmundo.

Bukod sa posibleng pagparusa kay Badoy, nagbabala rin ang Korte Suprema na papatawan ng contempt ang sinuman na hindi titigil sa paglalagay sa panganib sa mga buhay ng mga huwes at kanilang pamilya sa pamamagitan ng pag-red tag, paninira at panggigipit.

vuukle comment

ALEXANDER GESMUNDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with