^

Bansa

Buong suporta sa SSS, tiniyak ni Bongbong Marcos

Angie dela Cruz, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Buong suporta sa SSS, tiniyak ni Bongbong Marcos
Sa kanyang talumpati sa paggunita ng ika-65 anibersaryo ng SSS sa Quezon City, tinitiyak ni Marcos na bilang Pangulo ay susuportahan niya ang lahat ng hakbang para sa pagpapaunlad, pagpapahusay at pagiging produktibo ng ahensiya para sa kapakanan ng mga mamamayan.
Businessworld / File

MANILA, Philippines — Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibibigay ang buong suporta sa Social Security System (SSS) upang matiyak ang pagiging epektibo nito habang bumabangon ang bansa sa pandemya.

Sa kanyang talumpati sa paggunita ng ika-65 anibersaryo ng SSS sa Quezon City, tinitiyak ni Marcos na bilang Pangulo ay susuportahan niya ang lahat ng hakbang para sa pagpapaunlad, pagpapahusay at pagiging produktibo ng ahensiya para sa kapakanan ng mga mamamayan.

“As your President, I assure you that I commit myself to every initiative that will improve the efficiency and productivity of the SSS and thereby improve the lot and welfare of our people,” ani Marcos.

Ayon sa Pangulo, sa nakalipas na anim na dekada, naging sandigan ang SSS ng bawat Filipino sa pribadong sektor.

Pinaigting aniya ng SSS ang mga empleyado sa pamamagitan ng pagbibigay ng equitable at world-class protection.

Pinuri rin ng Chief ­Executive ang napapanahong implementasyon ng mga programa ng SSS kabilang na ang Contribution Subsidy Provider Program, Flexible Payment Scheme for Fishermen and Farmers, Contribution Penalty Condonation Program at Consolidated Loan Program.

Layon nito ayon sa SSS, na magampanan ang kanilang mandato na magbigay ng safety nets at garantiya sa mga mamamayang Filipino lalo na iyong nasa mahirap na sitwasyon.

Pinuri naman ng Punong Ehekutibo ang mga opisyal at empleyado ng SSS para sa pagsisikap at dedikasyon sa trabaho.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Marcos sa mga miyembro ng SSS para sa kanilang pagsusumikap, debosyon, at kontribusyon, na naging dahilan upang ang SSS ay magkaroon ng mahalagang papel sa nation building at naging guarantor ng kapakanan ng mga tao.

SSS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with