^

Bansa

P1.1 bilyong kailangan sa repair ng mga paaralan na sinira ni ‘Karding’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nangangailangan ang Department of Education (DepEd) ng P1.17 billion para makumpuni ang mga paaralan na sinalanta ng bagyong Karding.

Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, may 165 paaralan ang napinsala dahil sa naturang bagyo.

“Ang nakikita nating estimated cost for reconstruction or rehabilitation ng 165 schools na ‘to ay P1.17 billion,” sabi ni Poa.

Bukod sa 165 iskul ay may 396 paaralan pa ang “totally damaged.” Mayron din anyang 92 paaralan ang patuloy na ginagamit na evacuation centers ng mga pamilyang nabiktima ng bagyo.

Sinabi ni Poa na patuloy na gumagawa ng paraan upang magkaroon ng disaster-resilient classrooms ang ahensya sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa private sector at iba pang organisasyon.

Samantala, nagpaabot naman ng pakikidalamhati si Vice President Sara Duterte sa mga pamilyang namata­yan dulot ng bagyong Karding.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with