^

Bansa

Marcos nag-uwi ng $4 bilyong investment sa US trip

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Marcos nag-uwi ng $4 bilyong investment sa US trip
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. delivered his speech before his departure at NAIA Terminal 2 on Sunday (September 18, 2022).
STAR/KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nasa $4 bilyong investment ang naiuwi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa anim na araw na pagbisita sa New York para sa 77th United Nations General Assembly, ayon sa Office of the Press Secretary.

Karamihan sa mga pangakong investments ay mula sa information technology, business process management (IT-BPM), data centers at manufacturing na maaa­ring makalikha ng nasa 112,000 trabaho.

Nilinaw naman ng Palasyo na ang naturang halaga ay hindi awtomatikong sasalamin ng future investment.

“The estimates do not reflect the full potential of future investments from several companies that the President and the trade department met while in New York,” anang Malacañang.

Bagama’t maraming kompanya ang nagpaha­yag ng interes na mamuhunan sa bansa, kailangan pa rin na maselyuhan ang mga investment pledges.

Matatandaan na bukod sa pagdalo sa United Nations General Assembly, dumalo rin si Marcos sa isang economic briefing at nanghikayat ng mga negosyante na mamuhunan sa Pilipinas.

Sa pagbubukas ng bagong Clark Internatio­nal Airport sa Pampanga kamakalawa, sinabi ng Pangulo na handa na ang Pilipinas na tumanggap ng mga dayuhang negosyante.

Ipinunto pa ni Marcos na pinadali na ng pamahalaan ang proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas.

Ibinida rin ng Pangulo na marami rin sa mga Pilipinong manggagawa ang mga highly skilled at mataas ang kwapilikasyon.

FERDINAND MARCOS JR.

INVESTMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with