^

Bansa

SIM Registration Bill, Barangay/SK polls sa Oktubre 2023 niratipikahan ng Kongreso

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
SIM Registration Bill, Barangay/SK polls sa Oktubre 2023 niratipikahan ng Kongreso
Maging ang panukalang mandatory SIM card registration ay naihabol din bago ang kanilang adjournment.
Businessworld / File

MANILA, Philippines — Niratipikahan na ng dalawang kapulungan ng kongreso nitong Miyerkules ng gabi ang panukalang pagpapaliban sa December 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections at idaos sa October 2023.

Maging ang panukalang mandatory SIM card registration ay naihabol din bago ang kanilang adjournment.

Sinasabing nagkasundo ang House panel at counterpart sa Senate upang maiayos ang magkakaibang provisions sa House Bill (HB) No. 4673 at Senate Bill (SB) No. 1306 na naglalayong ipagpaliban ang barangay at SK elections.

Sa bersiyon ng bill na inaprubahan ng Kamara ay itinakda ang susunod na barangay at SK elections sa unang Lunes ng December 2023 habang sa Senate version ay itinakda sa ikalawang Lunes ng December 2023.

Sa halip na gawin ang halalan sa December 2023, nagkasundo ang bicam na ire-schedule ang barangay at SK polls ng mas maaga o October 2023.

Samantala, umaasa naman si House Speaker Martin Romualdez, ang tumayong main author sa SIM Registration Act na hindi mabi-veto ang SIM card registration Bill. Sa ilalim ng panukala, may mandato ito na irehistro ang lahat ng Subscriber Identity Module o SIM card.

Sinabi ni Romualdez na sa ipinasang bersyon ngayon ng panukalang SIM Card Registration Act ay inalis nila ang probisyon ukol sa pagpaparehistro ng social media accounts na siyang dahilan ng pag-veto noon dito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang diin ni Romualdez, napapanahon itong maisabatas bilang solusyon sa talamak na panloloko sa pamamagitan ng text messages na maaring magdulot ng trahedya sa buhay at makasira sa public order.

Ang dalawang panukalang batas ay ipapadala na sa Palasyo para lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para tuluyang maging batas.

SIM CARD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with