^

Bansa

Rodrigo Duterte, 2 beses naaksidente

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Rodrigo Duterte, 2 beses naaksidente
Ikinuwento ito ni Duterte sa pagdalo niya kahapon sa 40th anniversary at National Assembly ng PDP-Laban.
KJ Rosales, File

MANILA, Philippines — Inamin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na dalawang beses na siyang naaksidente dahil sa kanyang vertigo at pagmomotorsiklo.

Ikinuwento ito ni Duterte sa pagdalo niya kahapon sa 40th anniversary at National Assembly ng PDP-Laban.

“Nadisgrasya kasi ako...nagkaroon ako ng vertigo noong isang araw. Nagmotor [rin ako], nadisgrasya na naman ako. I had two minor accidents,” ani Duterte.

Sinabi ni Duterte, 77 na nabunggo niya ang kanyang security habang nagmamaneho sa highway.

“I drove on the highway..tsk...nabunggo ko iyong security ko. Sabi ko kasi do not run a stride with me, because my peripheral vision...l was looking at a distance; sabi ko, diyan lang kayo sa likod,” ani Duterte.

Maayos naman na umano ang nabunggo niyang security base sa resulta ng MRI (magnetic resonance imaging).

Bagama’t pinayuhan siya ng mga kaalyado na tumigil na pagsakay sa motorsiklo sinabi ni Duterte na hindi niya magawa.

“Kasi kung hindi ka sasakay ulit, forever ka na matakot eh,” ani Duterte.

Samantala, muling inihalal ni Duterte bilang bagong presidente ng PDP-Laban si Palawan Rep. Jose Alvarez kapalit ni dating Energy Secretary Alfonso Cusi.

Matatandaan na sinuportahan ng PDP-Laban noong 2022 presidential at vice presidential elections sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with