^

Bansa

Referendum sa Cha-cha isabay sa barangay, SK elections

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sakaling matuloy ang pag-uurong sa susunod na taon, nais ni Sen. Robinhood Padilla na sabayan ng referendum tungkol sa Charter change (cha-cha) ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ayon kay Padilla, chairman ng Senate Committee on Constitutional amendments and revision of codes and laws, itutulak niya na sabayan ng eleksyon ang katanungan kung sang-ayon o hindi ang mga botante na amyendahan ang konstitusyon at ano ang kanilang mungkahi.

Idinagdag pa ng senador na sinabi sa kanya ni Senate Minority leader Koko Pimentel na ito ay maaaring gawin, kaya bumoto na siya pabor sa pag-uurong ng Barangay at SK elections sa October 2023.

Nauna na niyang tinutulan ang pagpapaliban ng Brgy. at SK elections dahil nais umano niyang mabigyan ng tunay na kapangyarihan ang mga nasa barangay level dahil sobra-sobra ang kapangyarihan ng national government.

Sa pagtaya ni Padilla, marami ang may gustong baguhin ang konstitusyon base sa mga ginawang pagdinig ng kanyang komite.

vuukle comment

BARANGAY

CHARTER CHANGE

SK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with