^

Bansa

Komento ng ICC Prosecutor, inisnab ng DOJ

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Komento ng ICC Prosecutor, inisnab ng DOJ
This photo shows Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Boying Remulla Facebook page

MANILA, Philippines — Hindi kailangang tumugon ng gobyerno sa pahayag ni International Criminal Court (ICC) Prosecutor Karim Khan na nagsabing walang merito ang mga argumento ng Pilipinas ukol sa ‘war on drugs’.

“Hindi na, hindi na,” saad ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nang tanungin sa kaniyang tugon kay Khan.

Nitong Martes, sinabi ni Khan na walang merito ang mga argumento ng gobyerno ng Pilipinas ukol sa ‘war on drugs’ ng nakalipas na administrasyong Duterte. Hiniling din niya sa ICC Pre-Trial Chamber na maglabas ng kautusan para maituloy na muli ang imbestigasyon.

Iginiit ni Remulla na dahil hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas ay wala nang hurisdiksyon sa bansa ang ICC. Mayroon din umanong umiiral na demokrasya at sistema ng hustisya ang bansa.

Wala umanong awtoridad na ang ICC na pilitin ang Pilipinas na makilahok sa imbestigasyon habang naisumite na rin ang mga kaukulang dokumento para lamang makatugon at hindi nangangahulugan na nagpapasakop sa kanilang awtoridad.

Sinabi pa ng kalihim na sa 88 araw niya sa opisina, nananatiling kulang ang mga saksi sa mga kaso na nangyari may lima o anim na taon na ang nakalilipas.

Binuweltahan din ni Remulla si Khan na umano’y may ginagawang ‘disservice’ sa ICC sa pamamagitan ng paghahamon sa sistema ng Pilipinas.

ICC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with